January 31, 2020

Package Galing China, Maaari Nga Bang Magdala ng Coronavirus?


Sa gitna ng novel coronavirus outbreak sa Wuhan, maraming tao ang nababahala sa pag-travel sa China sa pangambang mahawaan ng virus. At kung ikaw ay madalas umorder online, malamang nagdalawang isip ka rin sa pag-order sa Lazada o Shopee, dahil karamihan sa mga produkto nito ay galing China. Ngunit dapat nga ba tayong mangamba?

Maaari nga kayang maipasa ang novel coronavirus sa isang package na galing China? Ito ang mga tanong na bumabagabag sa mga tao, ngunit ayon sa latest na pagsusuri ng mga eksperto, wala tayong dapat ikabahala.


Ayon sa Control Disease Center, wala pang naitatalang kaso ng nahawaan ng coronavirus dahil mula sa package. Napakaliit ng risk na mahawaan ka ng sakit sa ganitong paraan dahil sa survivability ng coronavirus. Malakas ito sa loob ng katawan ng tao, ngunit kapag wala itong host ay mabilis lamang ito mamatay.

"In general, because of poor survivability of these coronaviruses on surfaces, there is likely very very low risk of spread from products or packaging that are shipped over a period of days or weeks at ambient temperatures."


Sa katunayan, kahit simpleng araw o UV ray lang ay sapat na para mapatay ang coronavirus, kaya walang dapat ipangamba. Ang mga package galing China ay mahigit isang linggo pa bago dumating sa Pilipinas, at pagdating ng oras na iyon ay paniguradong patay na rin ang virus.

Sa kabilang banda, pinag-iingat pa rin ang publiko sa nagbabadyang panganib na dala ng coronavirus. Upang maging ligtas, umiwas sa mga taong may sakit at siguraduhing magsuot ng mask. Kung ikaw ay nakakaramdam ng mataas na lagnat, ubo, at hirap sa pahinga, kumonsulta agad sa doktor.


May mga kakilala ka rin ba na dapat makaalam nito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.