May 31, 2019

Kapag May Nakita Kayong Bata Na Ganito Umumpo, Sawayin Agad Ninyo! Alam Dito Kung Bakit!



Ang mga bata ay mayroon pang malalambot na mga katawan, kaya naman kayang-kaya nilang umupop at humiga sa mga kakaibang anggulo. Ngunit hindi pala ibig sabihin na kaya nila itong gawin sa ganoong edad ay hahayaan lang dapat sila! Minsan pala kasi ay may sinisingil na kapalit sa  paglaki ng bata ang pag-upo o paghiga sa ganitong kakaibang mga anggulo! Kagaya na lamang ng 'W'' sitting position, na pag-uusapan  natin ngayon.

Madalas natin itong makitang ginagawa ng mga maliliit na bata-- iyong upo na nakabukaka, nakaturo paharap ang mga tuhod, at naka-anggulo palikod sa tabi ng puwet ang mismong mga paa.


According sa isang child physiotherapist, maaari daw itong  makasagabal sa pag-debelop ng mga balakang ng mga bata. Dahil nagiging awkward ang tayo ng mga buto, nahihirapang lumaki ang balakang ng mga umuupo sa ganitong pamamaraan. Nariyan din na maaaring maging piki ang mga batang gumagawa nito, o iyon  bang paloob ang bawat hakbang. Hindi ito magandang tignan lalo na sa mga matatanda.


Madali rin daw makuba ang  mga batang mahilig umupo ng ganito. Pati ang ilang mga muscle sa katawan  ng bata ay maaari ring hindi lumaki ng tama dahil sa kakaibang  paraan ng  pag-upo na ganito! Pati raw ang  likod ng hita  ay maaaring maka-engkwentro ng  kung anu-anong mga  sakit!


Kaya raw pag tungtong pa lang ng ating mga anak sa edada na tatlong taong  gulang, kailangan na silang pagsabihan sa tuwing nakikita natin silang umuupo ng ganito. Maaari kasing napaka-kumportable sa  kanila ng ganoong  upo lalo na kapag naglalaro, ngunit kung magiging sanhi pa to ng problema sa kanilang paglaki ay mas mabuti nang maitama kaagad.


Crucial daw na bago umabot sa anim na taong  gulang ay naayos  na at naturuan  na ng tamang pag-upo ang  mga  chikiting upang hindi magkaproblema  sa pagdedebelop ang kanilang mga katawan!

Source: Good Times