May 07, 2019

Pumanaw na Security Guard, Supresang May Iniwan Palang P198,000 sa Sapatos Niya!



Matapos ang limang dekadang pagsasama, nag-iba ang buong mundo ni Emilita Santos nang biglang pumanaw ang asawang si Reynaldo. Simula nang sila ay magmahalan, ramdam na ramdam ni Emilita ang pag-aaruga ni Reynaldo.

Hindi naging madali ang simula ng pagsasama ng dalawa. Dahil hindi boto kay Reynaldo ang mga magulang ni Emilita, nagtanan ang dalawa. Ngunit kailanman ay hindi pinabayaan ni Reynaldo ang asawa. Nagbanat ito ng buto bilang isang security guard upang masiguro na mabibigyan pa rin ng magandang buhay ang asawa.



Kwento pa ni Emilita, iyak daw ito nang iyak nang siya ay magkasakit at ma-str0k3d noong ito ay 70 years old na. Ito ay dahil daw ayaw niyang maging pabigat sa kanyang mga anak. Kaya kahit galing na sa sakit ay nagpatuloy pa rin ito sa kanyang pagtatrabaho.

Ngunit ito ang hindi inaasahan ni Emilita: na hanggang sa pagpanaw ni Reynaldo ay hindi pa rin pala ito tapos sa pag-aalaga sa kanyang asawa at mga anak!

Nang kunin ni Emilita ang mga gamit ng asawa sa locker nito sa opisina, napansin niyang may nakaipit sa loob ng botang iniwan nito. Nang buklatin niya ay laking gulat ni Emilita nang tumambad sa kanya ang isang wallet na gawa sa kawayan. Napakakapal nito at halos hindi na maisara.

Pagbukas ni Emilita, bungkos bungkos ng P1,000 ang humarap sa kanya, na umabot ng P198,000 nang kanyang bilangin! Sinong mag-aakalang makakaipon ng ganito kalaki ang isang security guard?




Tantiya ng mga kaanak ni Reynaldo, talagang inilalaan niya ang perang ito para sana sana sa 50-year-anniversary nila ng asawa. Ngunit ngayong wala na siya, hindi rin naman nasayang ang pinaghirapan niyang ipunin. Ayon kay Emilita, magagamit niya ito para ipagamog ang kanyang kondisyon sa puso.

Nakakatuwang isipin na kahit wala na siya, patuloy pa ring naipaparamdam ni Reynaldo ang pagmamahal niya para sa kanyang pamilya!

Source: PTAMA